Monday, August 22, 2005

Coming Sooooooon...

Its not a movie or what, but its Me! coming soon to my destination, the country where the new journey of my story will begin. Sabi ko sa inyo samahan nyo ko... sa panibagong challenge, bagong environment, boss, tirahan, opisina, basta dami mababago sa takbo ng buhay ko. Kinakabahan ako kahit papano (heartbeat...) bakit kamo? kasi ang dami kwento about that country, may nagkukwento ng maganda meron din kwento ng pangit (kahit san naman yata may ganung mga kwento)

Hay, ang dami bilin:

Ang mga paalala "len, mag iingat ka dun at maraming loko dun, pati kapwa pinoy"

Ang dami din drama "bes, pano yan iiwan mo na ko...ayoko ko pa isipin...basta bes magkikita pa rin tayo..."

Ang dami din horror "hala, marami manyakis dun!" (may trauma kasi ako)

At syempre may comedy din "o wag kayo alala pagdating ko dun, take kagad ako ng picture with my cellphone tapos padala ko sa inyo dito ha..." "hindi, kahit wag na, ok lang kami." (aba! tama ba yun?)

Wait ko pa ang booking flight ko pero ok lang at least I have time for my family, friends and myself (beauty rest! beauty daw oh!?!) at mas may time pa din ako mag shopping ng mga baon, mas may time din para maging emotionally prepared ako, madami kasi ako pinagdaanan gaya ng maraming tao paligid ligid. oist! tao ito!

Oo nga pala hindi ko pa din nami-meet ang mga friends ko from all over the pinas hehehe sana makita ko kayo bago ko umalis... aba! 2 years na yata uli pagbalik ko dito. Basta sched natin ito ng maayos, pati ung gusto makipag eyeball dyan... censya na...scared po ako, im not used to that kind of thing.

In short kaya ako nakapag blog wala na ako work, pahinga na ako. Sa wakas!