email ko nga sila...
Subject:
update
To: lil sis
(pls print, pra ito sa lahat)
hello sa inyo uli! thursday again at half day lang uli pasok namin at bukas ay off na. wala din amo kaya malaya kami hehehe. naku ang lamig d2 kc lahat aircon kaya gamit ko ang mga long sleeves ko at at ang sleeveless ay hindi ko maipambahay, mga conservative pala sila d2... pag sobra sexy at revealing ang suot ay pinagsasabihan, d2 kasi nakatira ang hari (Sheik ang tawag sa royalties) kaya Sheik Faith o Sheik ellen hehehe, Arbab naman pag boss o amo. kamamatay lang ng hari nung Feb and died age of 90+ with 100 wives. Kaya ang panganay ang hari ngaun kaya lalo nade-develop ang abu dhabi which is good pra hindi na dumadayo mga tao sa dubai... sa dubai unang una ay mahal ang cost of living kaysa d2 imagine ang taxi d2 abu dhabi ay 2 dhs. lang sa dubai 10dhs. plus succeeding 50fils (cents) tpos ang pagkain for sure mahal din. wala din bus d2 s city ng abu dhabi pag pupunta ka lang sa dubai o ibang bayan ang bus at wala masyado traffic d2, prang isang malaking rockwell o subic ito pro syempre meron din lugar na prang makati gilid hehehe
nagpunta na me sa gold market... at mall pala un...kala ko tiangge ang dating o prang ongpin... tabi2...kabi-kabila...mom magkano nga ba per gram ng ginto dyan? pra ma-comprare ko... kc my alahas pambata d2 40dhs lang convert nyo na lang (x 14) 22k na un. ang dami nga mgaganda at naglalakihang alahas...kaya lang d ko masyado feel dahil d nmn me mahilig sa gold... white gold pwede pa atsk silver...my mga stones din d2. kayo wat do u prefer sbihin nyo lang sakin pra pag may sale unti2 ko nabibili...
last thursday nag-church na ko sa JIL, kasama ang mga room mates ko na lahat ay christian din. (Thanbk God!) at mamaya punta naman me dun s isang international na church kung saan ay pastor ang aming boss, Madhu Abraham (indian) pro magaling mag english at anak mayaman. mabait lagi nagpapahiram ng mga inspirational books. at nagpe-pray d2 sa office.
malapit na ang ramadan kaya hindi pwede basta2 kumain sa daan. kaya kailangan mag stock ng pagkain.
paunti unti nakaka adust naman ako sa buhay d2...buti na lang marunong ako magluto at simple lang ang laba dahil automatic ang washing machine hehehe pro iba pa rin ang naaarawan... imagine sayang ang araw d2...d pwede ibilad ang damit at daing hehehe bawal kc may makita mga sinampay kung san2.
baka next week subukan ko bili rubber shoes pra makapag Gym na dahil tagal ko na di nararanasan ang pawisan, dahil pag pauwi na sakay naman kagad ng service o taxi...tapos pasok din naman agad sa establishments. at d p ko nakakagala d2...medyo ayaw pa gumana ang isip ko mag absorb ng directions... pa-office, pauwi at paunta kina ayie lang ang kabisado ko...papunta ng carinderia din, sa paligid ng building.
o kayo...wento naman dyan...ano balita? kahit chizmax pwede din. dami din chismax d2...mga pinoy...kanya2 style ng istorya ng buhay at lalo na daw sa dubai.
About job hiring d2...madami kung sa madami work pro bihira lang ung may good pay at good packge, dahil ang babarat nila cguro nga dahil sa tinatanggap ng mga indian ang mababang pay...ok na sa kanila un, malaki na para sa kanila. mas madami pa indian kaysa sa mga local d2. tlga napatunayan na sila ang most populated country at lahi..pti ba naman d2 s UAE!
kuya un kwento mo mga kotse harurot ayun maingay kahit anong oras at nakakagulat, pang karaniwan lang ang camry, peugot, BMW, mercedes...etc...basta luxury satin ay common lang d2. mura lang kc.
at ang mga bilihin d2 ay mura lang din kung pera d2 ang pag uusapan... imagine toblerone bar na chocl8 1Dhs lang pag convert mo ay Php14 lang dyan satin ay 20 to 25 pesos na. at marami pa iba.
pro syempre iba pa rin ang pinas at kasama kayong lahat, pro with Gods grace ay nkakaya ko naman ang mga bagay2 d2 na natutuhan ko. Dapat daw wag tayo takot sa changes, besides i wont stay here for long.
tinatantiya ko pa ang budget ko d2, adjust din at pra lam ko san ako makakatipid. at palagay ko nakakatipid ako pag nagco-convert ako at naiisip ko ang palengke sa pinas at mga tiangge dyan at mga sari2 store na pwede tingi pati mantika at pamina pwede ang isang kutsarita lang dito kc kailangan malaking bote lang available. naghanap nga ako sachet ng 3 in 1 pra d ako ma-addict sa kape... aba ang laki ng box! kaya heto sa office na lang libre pa!
hay dami pa kwento pro ito muna dahil ang haba na nito at abuso n ko d2 sa office, may kunsensya din naman ako hehehe. thanks again. Miss u ol. love you all my famly. God bless.
Mom at dad...aral na kayo mag computer..........
mwah!
1 Comments:
hmmmm nagkamali pala ako sa pamasahe d2 s Dubai...exaggerated lang wento sakin..3 dhs pla...sobra bilis lng ng metro kya gnun at npka traffic pa. well life goes on and God is with us. Thank u lord for everyday.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home